Sunday, September 9, 2012

Pwede Pahingi?


Kapag pumunta ka ng Maynila, “Pasalubong! Krispy Kreme!”
Milyonarya nga ako noh tsaka may apat na hand carry lang naman ako. Outdated pala toh, J. Co nanaman ngayon.

Kapag nakakuha ng trabaho abroad, ”Uy, hanapan mo naman ako ng work jan!” 
Baka gusto mo ako pa gumawa ng resume mo?

Kapag umuwi galling ibang bansa, “Pasalubong!” 
O nga noh, nagtrabaho nga pala ako para may maiuwing pasalubong para sa nanay ng kaibigan ng bestfriend mo.

Kapag niyaya mong lumabas kasama mga kaibigan mo dahil na-mimiss mo sila, ”Libre mo? Tara!”
Wala na bang ibang kaibigan?

Kapag nanalo ng premyong salapi, ”Balato naman!” 
Tagal na nga natin di nagkita, ito pa una mong sasabihin?

Kapag nalaman nila magkano swledo mo, ”Wow, libre naman jan!” 
Kahit maliit naman yung sweldo.

Ang masakit pa, kapag ikaw ay nagreklamo o aangal, ikaw pa ang lalabas na swapang at sasabihan ka pa ng ”Ang yabang mo na”.

Hala sige, gamitin niyo na rin twalya at suotin niyo na rin panty ko. Buysit.

No comments: